PROGRAMA SA PAGPAPLANO NG VANCOUVER COMMUNITY COLLEGE (Updates in Tagalog)

Inilulunsad ang Yugto 1 ng ugnayan

Sa kahilingan ng Vancouver Community College (VCC), ang Lungsod ng Vancouver ay lumilikha ng mga bagong patakaran sa pagpaplano upang gabayan kung paano maaaring muling paunlarin ang kampus sa paglipas ng panahon.

Ang layunin ng VCC ay baguhin at gawing moderno ang kanilang mga pasilidad pang-akademiko, pati na rin ang pagdaragdag ng mga bagong pabahay, tindahe-1an, at serbisyo sa lugar. Ang mga bagong patakaran sa pagpaplano ng Lungsod ay makatutulong sa paghubog sa mga uri ng gusali, gamit, at mga bukas na espasyo na maaaring ilagay sa lugar sa hinaharap.

Paano makisali

Gusto naming makarinig mula sa inyo! Ang inyong feedback ay makatutulong sa Lungsod na pabutihin ang mga draft na patakaran para sa lugar.

  • Matuto nang higit pa sa pamamagitan ng pagbasa ng buod na dokumento.
  • Sagutan ang aming sarbey hanggang Martes, Hunyo 9, 2026. Tumawag sa 311 para sagutan ang sarbey sa telepono.
  • Dumalo sa isang kaganapan (Available lamang sa wikang Ingles)
    • Huwebes, Mayo 21 - 4:30 PM hanggang 7:30 PM sa VCC Broadway Campus (1155 E Broadway) Building B, Room 1238 Student Study
    • Sabado, Mayo 30 - 10:30 AM hanggang 12:30 PM sa VCC Broadway Campus (1155 E Broadway) Building B, Room 1238 Student Study
    • Miyerkules, Hunyo 3 - 5:30 PM hanggang 7:30 PM sa Mount Pleasant Neighbourhood House (800 E Broadway)
  • Mag-sign up sa aming mailing list para makatanggap ng mga update sa email nang direkta sa inyong inbox

Mga Susunod na Hakbang

Ibabahagi namin ang buod ng aming mga narinig sa ugnayan sa katapusan ng Hulyo.

Ang mga pinahusay na direksyon ng patakaran at isang piling konsepto ay ibabahagi para sa karagdagang feedback sa ikalawang yugto ng pakikipag-ugnayan sa taglagas. Isang pinal na panukala ang inaasahang mapupunta sa Konseho ng Lungsod para sa desisyon sa unang bahagi ng 2027.Sagutan ang aming sarbey

Categories: Tagalog
Share PROGRAMA SA PAGPAPLANO NG VANCOUVER COMMUNITY COLLEGE (Updates in Tagalog) on Facebook Share PROGRAMA SA PAGPAPLANO NG VANCOUVER COMMUNITY COLLEGE (Updates in Tagalog) on Twitter Share PROGRAMA SA PAGPAPLANO NG VANCOUVER COMMUNITY COLLEGE (Updates in Tagalog) on Linkedin Email PROGRAMA SA PAGPAPLANO NG VANCOUVER COMMUNITY COLLEGE (Updates in Tagalog) link
<span class="translation_missing" title="translation missing: en-US.projects.blog_posts.show.load_comment_text">Load Comment Text</span>